Gusto mo bang humaba ang iyong buhay?
Mag-alaga ka ng aso.
Tunay ngang ‘dogs are man’s bestfriend’ dahil sa isang pag-aaral sa Sweden na inilathala sa Journal Scientific Reports iniuugnay ang pag-aalaga ng aso sa mababang risk sa cardiovascular diseases at maging sa maagang pagkamatay.
Lumalabas na kumpara sa mga indibiduwal na walang alagang aso, maaaring mabawasan ang death risk ng isang dog lover ng hanggang sa 33% at cardiovascular related death ng hanggang sa 36%.
Nadiskubre din na mas mababa ng 11% ang posibilidad na atakihin sa puso ang isang tao kung siya’y may alagang aso.
Tinukoy ang mataas na lebel ng physical activity ng mga taong may alagang aso na isa sa mga factor ng nasabing pag-aaral kasama na ang support at companionship na ibinibigay ng pagkakaroon ng alagang hayop.
Idinagdag din na mas maganda ang social life at mas masaya ang mga taong may alagang aso na nakapagpapababa naman sa kanilang stress level.
Ang stress ay isa sa mga pangunahing dahilan ng cardiovascular diseases at ilan pang malulubhang sakit.