Hinimok ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang publiko na isama sa kanilang panalangin ngayong Undas ang mga pumanaw na pulis at sundalo, na nagbuwis ng buhay para sa bayan.
Ito’y matapos ang panawagan ni DND officer-in-charge, undersecretary Jose Faustino Jr. sa publiko na ipagdasal ang lahat ng medical at non-medical frontliners na nasawi sa pakikipaglaban sa COVID-19.
Pinupurihan naman ni Azurin ang lahat ng pulis na rumesponde sa gitna ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Ngayong Undas mahigit 100K pulis ang naka-deploy sa buong bansa upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. –-mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11) sa panulat ni Jenn Patrolla