Hinimok ng pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ang mga Katolikong mananampalataya at mga Diocesan administrators na mag-alay ng panalangin kasabay ng paggunita ng “Martyrs’ Day” sa Myanmar bukas, Hulyo 19.
Batay sa isang circular, nanawagan si CBCP assistant secretary general Fr. Carlo Del Rosario sa mga pari na makiisa sa selebrasyon na idineklara bilang “Day of Solidarity with Myanmar.”
Ipinag-utos din na patunugin ang mga kampana sa lahat ng mga simbahan sa bansa bandang alas- 6 ng hapon sa nasabing araw.
Matatandaang noong Hulyo 19, 1947 ay pinagbabaril ng mga armadong lalaki ang ilang independence leaders ng Myanmar habang nagsasagawa ng cabinet meeting sa Yangon kaya’t idineklara ito bilang Martyrs’ Day.