Posible nang tanggalin ng pamahalaan ng Australia ang ipinatutupad na lockdown sa kanilang bansa sa susunod na linggo.
Ito’y ayon kay Australian Prime Minister Scott Morrison ay dahil sa unti-unti nang pagbaba ng local cases ng coronavirus sa kanilang bansa.
Gayundin aniya ang unti-unti na ring pagbagsak ng kanilang ekonomiya kung saan, maraming mga negosyante ang umaaray na.
Kasunod nito, magpupulong ang national cabinet sa Mayo 8 upang pag-aralan kung kailangan nang tanggalin ang quarantine protocols na siyang nagpanatili sa kanilang mamamayan sa loob ng bahay ng mahabang panahon.
Batay sa datos ng Australian Health Ministry, pumalo sa halos 7,000 ang naitala nilang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa kung saan, 93 sa mga ito ang nasawi.