Nais ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na pag-aralan ng Committee on House Ways and Means ang posibilidad na pag-alis ng Value-Added Tax (VAT) sa mga public utility.
Sa panayaman ng DWIZ, sinabi ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda, Chair ng House Committee on Ways and Means, na kasalukuyan pang pinagaaralan ng gobyerno ang panukala na alisin ang VAT sa mga public utility tulad ng water bills, toll fees at lalong-lalo na ang kuryente.
Layon anya ng panukala na maibsan ang paghihirap ng mga Pilipino ngunit, sa ngayon ay tinitignan pa dahil ito ay pinag-aaralan pa ng husto. —sa panulat ni Jenn Patrolla