Nagbunga na ang pag-aalok ng pabuya ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa sinumang makapagtuturo ng nagtapon ng mga patay na baboy sa Marikina River.
Ayon kay Teodoro, sunod-sunod ang text messages na kanyang natanggap mula nang i-anunsyo nya ang P200, 000 pabuya.
Gayunman, sinabi ni Teodoro na kailangan pa nilang isa-isang isailalim sa verification at surveillance ang mga mensahe.
Matatandaang umabot na sa 58 ang patay na baboy na nakuha sa Marikina River.
Dahilan ito upang isailalim sa water testing ang Marikina River.