Ikinakasa na rin ng gobyerno ang pag-aangkat muli ng asukal sa gitna ng problema sa supply.
Aminado si agriculture undersecretary Kristine Evangelista na kung mapapatunayang mayroong kakulangan ng supply ng asukal ay ilalarga nila ang panibagong importasyon.
Alinsunod anya ito sa rekomendasyon ng sugar regulatory administration at mga stakeholder.
Umaasa si Evangelista na mas makikinabang ang mga household consumer sa oras na muling mag-angkat ng asukal.
aminado naman ang DA official na sadyang hindi sapat ang kasalukuyang sugar supply sa demand, lalo’t napinsala ang maraming sugarcane plantation ng mga nagdaang bagyo.