May go-signal na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-angkat ng 150,000 metric tons ng asukal upang tugunan ang kakapusan ng suplay at ma-kontrol ang tumataas na presyo nito.
Alinsunod ito sa Sugar Order 2 na nilagdaan noong Martes, Setyembre a – 13 ni Pangulong Marcos, na kasalukuyang Agriculture Secretary.
Nakasaad sa kautusan na kalahati ng kabuuang import volume o 75,000 metric tons ay ilalaan sa industrial users o mga kumpanyang gumagamit ng asukal sa kanilang manufacturing process.
Ilalaan naman ang kalahati sa mga consumers o sa mga pamilihan.
Inihayag ng SRA na magsisimula na silang tumanggap ng aplikasyon para sa importasyon ng asukal, tatlong araw matapos maging epektibo ang nasabing kautusan.