Umaasa ang Palasyo na magkakaroon na ng kasiguruhan ang gagawing pag-aangkat ng Pilipinas ng 25 million doses ng COVID-19 vaccine mula sa tsina.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang pahayag kasunod ng naging dalawang araw na pagbisita sa bansa ni Chinese Foreign Minister Wang Yi noong nakalipas na linggo.
Bunsod nito, aminado naman si Roque na hindi pa sapat ang 25 million doses ng COVID-19 vaccine na aangkatin ng Pilipinas sa China para sa lahat ng mga Pilipino.
Ani Roque ang dahilan kung kaya’t tuloy ang desisyon ng Philippine Government na bumili pa ng mga karagdagang bakuna mula sa iba’t-ibang pharmaceutical company na may kakayahang mag-deliver sa unang kwarter ng taon.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ng palasyo ang ibibigay umanong donasyon ng China sa Pilipinas na 500,000 doses ng COVID-19 vaccine.