Sinuportahan ng Magsasaka Party-list ang panukala ng Administrasyong Marcos na mag-angkat ng fertilizer sa susunod na taon.
Ito ayon kay Magsasaka Partylist leader Robert Nazal ay para mapalakas pa ang food production sa bansa at maging matatag ang presyo ng mga bilihin, partikular na sa pagkain.
Iginiit din ni Nazal ang importansya ng mga abono dahil napapabilis nito ang paglago at paglaki ng mga pananim.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang Memorandum of Agreement na magpapatupad ng importasyon ng 150,000 metric tons ng asukal mula sa China.
Inatasan din ng Pangulo ang Department of Trade and Industry at ang Philippine Trade Investment Center na gumawa ng hakbang para suportahan ang mga magsasaka at makontrol ang tuloy-tuloy na taas-presyo ng mga pagkain.
Mababatid na libreng ipamimigay sa mga magsasaka ang 2.277 milyong bag ng fertilizer na nagkakahalaga ng P4.1-B ng D.A. —sa panulat ni Hannah Oledan