Anti-poor umano ang hakbang ng gobyerno na pag-aangkat ng galunggong, bigas at iba pang agricultural products.
Ito ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao kung saan sinabi nito na tiyak na maaapektuhan dito ay mga magsasaka at mangingisda na kabilang sa malaking porsyento ng mahihirap sa bansa.
Giit ni Casilao, dahil sa ginawang ito ng administrasyon ay lalong mababaon sa kahirapan at kagutuman ang maraming mahihirap na Pilipino.
Sinabi din ng kongresista na tila hindi rin yata magandang tingnan na ang Pilipinas na napapaligiran ng karagatan at itinuturing din na rice producing country ay nag aangkat na lamang ngayon ng mga nabanggit na produkto sa ibang bansa.