Suportado ng ilang pribadong kumpaniya ang desisyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag-angkat ng 200K metric tons ng asukal sa bansa.
Sa ginawang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, sinabi ni DA USec. Fermin Adriano na nagdesisyon silang mag-import ng asukal para punan ang deficiency o kakulangan sa suplay nito matapos maapektuhan ang mga sugar millers at producers dahil narin sa pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon kay Adriano, kung hindi itutuloy ang importasyon, magiging limitado lang ang suplay ng premium sugar at posibleng maubos ang buffer stock ng asukal pagsapit ng Abril.
Bukod pa dito, makakaapekto din ito sa produksiyon ng mga pangunahing pagkain at inumin.
Matatandaang maraming Sugar raw mills, Refineries at mga Warehouse ang nasira ng bagyo partikular na sa mga Sugar Producing Region kabilang na ang Panay, Negros at eastern Visayas. —sa panulat ni Angelica Doctolero