Inaprubahan na ng Sugar Regulatory Administration o SRA ang pag-aangkat ng 200,000 metriko toneladang asukal.
Ito’y ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol ay upang mapababa ang presyuhan ng asukal sa mga pamilihan makaraang mapaulat ang pagtaas ng presyo nito.
Batay sa inilabas na kautusan ng SRA, papayagan nila ang pag-aangkat ng mga local trader at miller ng isandaang metriko toneladang bottler’s grade refined o puting asukal.
Gayundin ang pag-aangkat ng 50,000 metriko tonaladang standard grade refinde o iyong segunda at 50,000 tonelada para sa raw sugar o iyong pulang asukal.
Bagama’t nilinaw ng sra na nananatiling sapat ang suplay ng asukal sa bansa, tatanggap pa rin sila ng import applications simula Hunyo 18 hanggang Agosto 31.
—-