Hindi pa kailangang mag-angkat ang bansa ng bigas sa kabila ng matinding pinsalang dulot ng Bagyong Karding sa sektor ng agrikultura.
Tiniyak ito ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban kay Pangulong Bongbong Marcos, na tumatayong kalihim ng DA.
Ipinaliwanag ni Domingo na mayroon pang sapat na “buffer stock” ang Pilipinas.
Sa datos ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, halos dalawang bilyong piso na ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyo sa agrikultura.
Pinaka-matinding naapektuhan ang nasa 145,000 hectares ng palayan, maisan at gulayan, lalo sa Central Luzon; Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, CALABARZON at Bicol.