Ipinagpaliban ng gobyerno ang planong pag-aangkat ng 250,000 metriko toneledang bigas para magsilbing buffer stock ng bansa.
Ito ang naging desisyon ng NFA o National Food Authority Council sa kabila ng pagpupursige ng NFA na mag-import sa pamamagitan government to government scheme.
Ayon kay BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Guinigundo, miyembro ng NFA Council, mas mabuting ipaubaya na lamang sa private sector ang importasyon sa halip na sa gobyerno.
Aniya, dahil sa government to government scheme ay gagastos pa ang pamahalaan na posibleng magdulot pa ng pagkalugi sa NFA.
Sinabi naman ni Guinigundo na malayong magkaroon ng pagtataas sa presyo ng bigas dahil sasapat pa ang buffer stock hanggang Hunyo dahil sa inaasahang mga aanihang bigas ngayong tag-init.
By Rianne Briones
Pag-aangkat ng bigas ipinagpaliban ng gobyerno was last modified: April 24th, 2017 by DWIZ 882