Pagbabawalan nang mag-angkat ng bigas ang mga kooperatiba ng mga magsasaka.
Paliwanag ni Agriculture Secretary William Dar, ito’y dahil sa hinalang ginagamit ang mga ito ng ilang negosyante upang makapag-import ng mas maraming bigas.
Batay sa Rice Tariffication Law, papayagan lamang na mag-angkat ng bigas ang mga rice traders kung may kaukulang permits habang magbabayad din ito ng 35% taripa sa mga Southeast Asian countries at 50% naman mula sa non-ASEAN members.
Sa budget hearing ng DA, isiniwalat naman ni Senate Committee on Agriculture chair Sen. Cynthia Villar na ginagawa umanong “dummy” o kinakasangkapan ng mga ganid na negosyante ang mga farmer cooperatives dahil exempted ang mga ito sa buwis.
Matatandaang naging numero unong rice importer ang Pilipinas noong 2019 matapos payagan ng gobyerno ang unlimited importation ng bigas bilang tugon sa inflation.