Bawal munang pumasok sa Pilipinas ang poultry products mula sa Czech Republic dahil sa banta ng avian virus o bird flu.
Kasunod ito ng ulat ng World Health Organization (WHO) na mayruong outbreak ng highly pathogenic avian influenza (H5-N8) virus sa mga lugar ng Dlouhalhota, Tabor at Jihocesky.
Batay sa inilabas na kautusan ni Agriculture Sec. William Dar, hindi maaaring papasukin sa bansa ang lahat ng klase ng poultry products mula sa nabanggit na bansa mula sa karne, sisiw, itlog at maging semilya nito.
Dahil diyan, hindi maaaring iproseso at i-evaluate ng kagawaran ang aplikasyon para sa pag-aangkat ng mga nabanggit na produkto gayundin ang pagpapalabas ng sanitary at phyto-sanitary import clearance.
Banta ng DA haharangin at kukumpiskahin ng kanilang veterinary quarantine officers ang mga kargamento sa lahat ng major ports of entry sa bansa.