Hindi kailangan mag-angkat ng maraming asukal ang Pilipinas.
Ito ang binigyang-diin ni United Sugar Producers Federation (UNIFED) President Manuel Lamata dahil nag-umpisa na ang sugar milling sa ilang bahagi ng bansa.
Paliwanag niya na mas mabuting mag-angkat lamang ng kahit kalahati o 150,000 metric tons mula sa pino-propose ni dating Sugar Regulatory Administration (SRA) Head Manuel Serafica na 300,000 metric tons.
Tiniyak naman ni Lamata sa publiko na aabot sa 100,000 tons ng raw sugar ang mapo-produce sa pagtatapos ng buwang ito.