Ipinagbabawal ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng manok at mga kaugnay na produkto na magmumula sa Flevoland, Netherland.
Ito’y kasunod ng pagkakadiskubre ng H5N8 virus sa mga Pato.
Dahil dito, inatasan ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang Bureau of Animal Industry at ang National Meat Inspection Service o NMIS ang mahigpit na pagbabantay para hindi maipasok ang mga nabanggit na produkto sa bansa.
Pinakukumpiska rin ni Piñol sa mga veterinary quarantine officer ng D.A. ang lahat ng mga ibon, manok, sisiw at mga kaugnay na produkto na magmumula sa Flevoland, the Netherlands sakaling ipilit ng mga importer na maipasok sa ating mga paliparan at daungan sa bansa.
Pinasuspendi rin ng kalihim sa BAI at NMIS ang pagproseso at pag-isyu ng sanitary at phytosanitary (SPS) import clearance para sa mga importer na nais mag-angat sa apektadong bansa.
By: Meann Tanbio