Kinuwestiyon ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang pag-angkat ng bansa ng 25,000 metriko toneladang isda, kasabay ng closed fishing season ngayong Nobyembre hanggang Enero sa susunod na taon.
Sa panayam ng DWIZ kay Ronnel Arambulo, tagapagsalita ng PAMALAKAYA, nanawagan ito sa gobyerno na ikonsidera ang gawain lalo’t maraming maliliiit na mangingisda ang maaapektuhan.
Maaari naman aniyang humanap ng alternatibo maliban sa galunggong, gaya ng bangus, tilapia at tamban.
Maliban dito, nanawagan din si Arambulo sa gobyerno na mamahagi ng sapat ng tulong lalo’t maraming bagyo ang nanalasa sa bansa.