Pansamantalang ipinagbawal ng pamahalaan ang pag-aangkat ng mga poultry products mula Mitoyo City sa Kagawa, Japan.
Ito ay bunsod ng napaulat na outbreak ng H5N8 na highly pathogenic avian influenza virus sa naturang lugar.
Batay sa memorandum mula sa DA, ipinag-utos ni Agriculture Secretary William Dar ang agarang pag-ban sa importasyon ng mga domestic at wild birds gayundin ng mga produkto tulad ng poultry meat, sisiw, itlog at semilya.
Suspendido rin ang pagproseso, evaluation ng applikasyon at pagpapalabas ng sanitary and phytosanitary import clearance (SPC) sa Mitoyo City.
Agad ding itinigil at kinumpiska ang lahat ng mga kargamentong magmumula sa nabanggit na lugar sa Japan.