Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na hindi maaapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Taal ang pag-aaral ng mga estudyanteng bakwit sa kabila sa mga inilakas na residente.
Ayon kay DepEd Disaster Response Director in Charge Roni Co, may mga inilalatag nang plano ang DepEd region 4A para masigurong makapagpapatuloy ang pag-aaral ng mga estudyanteng bakwit sa Calabarzon.
Kabila na rin aniya ang mga estudyante sa mga paaralang pansamantalang ginagamit bilang evacuation centers.
Sinabi ni Co, may mga itinalaga nang mga guro para sa mga apektadong eskuwelahan.
Aniya ang mga nabanggit na teaching personnels ay posibleng mga apektado rin ng pag-aalburuto ng bulkang Taal pero handa nang magbalik sa pagtuturo o mga kukuning guro mula sa iba pang eskuwelahan sa Calabarzon.
Dagdag ni Co, agad na maipatutupad ang nabanggit na plano oras na matalakay na ito nina Education Secreatary Leoner Briones, mga undersecretaries at pinuno ng mga ekuwelahan o education division sa Calabarzon.
Batay sa tala ng DepEd, umaabot sa mahigit 30,000 mga estudyante at mahigit 1,000 education personnel mula sa 78 mga paaralan ang apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.