Hinimok ni Vaccine Expert Panel (VEP) member, Dr. Rontgene Solante ang reassessment o muling pag-aaral sa pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa mga health workers sa bansa.
Ayon kay Solante, ang mga health workers sa bansa ang itinuturing na laging naka-exposed sa mga dinadapuan ng virus kaya’t malaki ang tsansa ng mga ito na mahawaan.
Giit pa ni Solante, consistent na lumalbas sa datos na may waning immunity ang mga ito matapos ang anim na buwan makaraang makatanggap ng bakuna kontra COVID-19 ng sinovac.
Binigyang diin pa nito na karamihan sa mga ‘fully vaccinated’ na mga health workers na dinapuan ng COVID-19 ay pawang may mild symptoms lamang.
Sa huli, sinabi ni Solante na makakaapekto sa pagbibigay ng serbisyong medikal ng mga health workers kung dadapuan ito ng virus at sasailalim sa mandatory quarantine.