Tuluy-tuloy pa ang pag-aaral ng Department of Science and Technology (DOST) sa Virgin Coconut Oil, Tawa-tawa at Lagundi bilang gamot kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development, bagamat inaasahan nilang matatapos ang mga nasabing pag-aaral sa buwan ng Hunyo.
Nakadepende aniya ang usad ng trial sa mga volunteer subjects.
Sinabi sa DWIZ ni Montoya na mas mabilis ang recruitment nila ng volunteers kasunod nang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mabilis nga po ang pagrecruit ng mga volunteer… may mga quarantine facility po at mga ospital na kasama po sa trial na ito. Sila po ay tinatanong kung okay lang po silang sumali sa ating trial, pag po pumayag, doon po magsisimula ang pag-eexamine sa kanila, pakikipag-usap, at isasali sa trail,” ani Montoya. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882