Inihayag ng Department of Health na hinihintay na lang nito ang ulat ng technical working group na may kaugnayan sa isinagawang pag-aaral tungkol sa epekto ng booster shots kontra COVID-19.
Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque, III na posibleng sa susunod na linggo niya matanggap ang naturang report.
Agad naman niya itong isusumite at ilalatag sa Department of Budget and Management (DBM) sakaling matanggap na niya ang ulat.
Ani Duque, ito ang magiging batayan ng DBM para mailipat ang P45-M alokayon para sa booster shots sa programmed fund at line-item na nakapaloob sa panukalang 2022 National Budget. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)