Tataas pa ang insidente ng hindi tamang paggamit ng armas gayundin ng kamatayan.
Ayon ito kay Norman Cabrera, Secretary General ng Gunless Society of the Philippines bilang tugon sa panukala ng Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang civilian organizations.
Sinabi ni Cabrera na lalong lalala ang patayan gamit ang armas habang pinagpalawig ng bansa ang pagkakaroon ng baril sa Pilipinas.
Sa katunayan aniya ay kultura sa Amerika ang sinusunod na panuntunan na bansa at nakikita naman ang resulta nito.
Ayon pa kay Cabrera dadami rin ang bilang ng mga iligal na magmamay-ari ng baril kapag ipinatupad ang pag-aarmas sa mga sibilyan.