Nakumpleto na ng SM Foundation Incorporated ang repair ng anim na school buildings sa elementary public schools sa Antipolo City, Dagupan City, Legazpi City, Pulilan, Bulacan, San Fernando City, Pampanga at Sorsogon.
Ayon sa SMFI, nai-turn over na nila sa beneficiary schools ang mga inayos na school buildings na naka programa sa taong ito at may budget na tatlong milyong piso.
Kabilang sa mga beneficiary schools na donasyon ng SM Prime sa pamamagitan ng SMFI ay Mayamot Elementary School sa Antipolo, East Central Integrated School sa Dagupan City, Bitano Elementary School sa Legazpi City, Balatong Elementary School sa Pulilan, Telabastagan Integrated School sa City of San Fernando at Basud Elementary School Sa Sorsogon.
Binigyang diin ng SMFI na ang pagsasaayos ng mga nasabing school buildings ay commitment nila na isinasagawa kada limang taon.
Kabilang sa mga inayos ang kisame, bubong, pader at sahig ng mga nasabing school buildings na pininturahan na rin.
Ang dalawang palapag, apat na silid-aralang gusali ay itinurn over nuong 2018 maliban sa Basud Elementary School na naiturn over nuong 2021 na subalit nasira ng bagyong Paeng nuong 2022.
Ang school building na idinonate sa Basud Elementary School ay unang building project ng SM Foundation nuong 2021.