Mahigpit nang tinututukan ng gobyerno ang pag aayos pa ng mga sistema sa mga vaccination sites para ma-accommodate ang mga walk ins.
Ipinabatid ito ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa gitna na rin nang paghahanda ng gobyerno sa ikalawang bugso ng bayanihan bakunahan National Vaccination Days sa December 15 hanggang 17.
Ayon kay Nograles, dapat maayos ang sistema sa mga walk ins at maipaliwanag sa mga Pilipino na hindi dapat mamili ng brand ng bakunang ituturok sa kanila dahil ang lahat ng COVID-19 vaccines ay ligtas at epektibo.
Itinakda ang second wave ng National Vaccination Drive para maabot ang target na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 54 million filipinos bago matapos ang taong ito.