Nasa 80 hanggang 95% nang tapos ang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa EDSA Kamuning Flyover sa Quezon City.
Ayon kay Eduardo Santos, District Engineer ng DPWH-NCR, tapos nang mabuhusan ng semento ang 69 na metrong bahagi ng flyover.
Pinapatag na lang ito ng mga contractors para maging pulido ang mga lubak na aspalto.
Sa ngayon, tiniyak ni Santos na maaabot nila ang target na July 23 na pagbubukas ng EDSA Kamuning flyover.