Posibleng madagdagan pa ang pagtaya ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines ng tatlong (3) araw na pag-aayos sa natumbang tore nito sa Muntinlupa City matapos itong maapektuhan ng sunog sa lugar kahapon.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Atty. Ronald Concepcion, assistant corporate secretary ng NGCP.
Sinabi ni Concepcion na nakapigil sa pag kumpuni nila sa nasabing tore ang malakas na buhos ng ulan kagabi.
PAKINGGAN: Pahayag ni NGCP Asst. Corporate Sec. Atty. Ronald Concepcion sa panayam ng DWIZ
By Judith Larino