Hindi na dapat nilalagyan ng kulay ang pag-abswelto ng Korte Suprema kay dating Pangulong Gloria Arroyo sa kaso nitong plunder.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga abogado ni Arroyo, ito ay dahil ilang ulit nang pinatunayan ng Korte Suprema ang pagiging independent nito.
Binigyang diin din ni Topacio na maliban kay Pangulong Rodrigo Duterte ay marami na rin mga eksperto na una nang nagsabi na walang bigat ang isinampang kaso laban sa dating pangulo.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio
By Katrina Valle | Karambola