Masamang pangitain umano ang pag-abswelto ng Court of Appeals kay Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles kaugnay ng kasong serious illegal detention na iniharap laban sa kanya ni Benhur Luy.
Ito, ayon kay Senador Kiko Pangilinan, ay dahil nangangahulugan ito na hindi pinaniniwalaan ng korte ang testimonya ni Luy na siya pa namang state witness sa mga plunder case may kaugnayan sa pork barrel scam.
Kaugnay nito, iginiit ni Pangilinan na ano na ang mangyayari sa mga PDAF Case kung saan Sampung Bilyong Piso ang halagang sangkot.
Sinabi pa ni Pangilinan na si Solicitor General Jose Calida pa na opisyal na tagapagtanggol ng republika, ang nagsabi sa Court of Appeals na nagkamali ang Makati City Regional Court sa pagpataw ng guilty verdict sa tinaguriang pork barrel queen.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno