Isinisi ni Jun Lozada sa kabiguan ng pamahalaan na maisabatas ang Freedom on Information Bill, ang pagkaka-abswelto ng mga sangkot sa di umano’y maanomalyang ZTE-NBN deal.
Si Lozada ang pangunahing whistleblower sa di umano’y 130 milyong dolyar na kickback ni Abalos sa ZTE-NBN deal.
Tinukoy ni Lozada ang pag-abswelto ng Sandiganbayan kay dating COMELEC Commissioner Benjamin Abalos dahil sa kabiguan ng prosecution na patunayang tumanggap ito ng suhol para maaprubahan ang ZTE-NBN deal.
Ayon kay Lozada, isang malungkot na araw para sa katotohanan ang nangyaring pag-abswelto kay Abalos.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Jun Lozada
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas