Ikinukunsidera ng Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH ang pag-a-adjust sa premium contributions ng mga miyembro upang matiyak ang mas matatag na national health insurance program.
Ayon kay PHILHEALTH Officer-In-Charge, Executive Vice President and Chief Operating Officer Ruben John Basa, kinonsulta na nila ang National Employers Organizations upang talakayin ang mga panukalang hakbang , kabilang ang premium adjustment.
Kabilang sa mga dumalo sa konsultasyon ang mga kinatawan mula sa Philippine Association of Service Exporters Incorporated, Philippine Chamber of Commerce and Industry at Employers Confederation of the Philippines.
Tinalakay sa pulong ang mga paraan upang madagdagan ang membership coverage hanggang 100 percent at expansion ng PHILHEALTH benefits kabilang ang implementasyon ng primary care benefit package sa iba pang member sectors.