Dapat i adjust ng LTFRB ang singil sa taxi para maiwasan na ang pangongontrata at pagtanggi ng mga taxi driver na magsakay ng pasahero.
Ayon kay Bong Suntay, Pangulo ng Philippine National Taxi Operators Association , outdated na at hindi nagbabago ang flag down rate sa nakalipas na 7 taon.
Sinabi pa ni Suntay na hindi na kumikita ang taxi drivers dahil sa traffic kayat tumatangging magsakay ng mga pasahero o kaya naman aniya ay nagde demand ng sariling singil.
Kahit aniya suspendihin nila ng suspendihin ang driver ay talagang ang mangyayari ay hindi papayag ang isang driver na nasa katinuan na malugi siya.
Una nang nagsampa ang grupo na gawing 5 Piso mula sa kasalukuyang 3.50 ang singil sa kada dalawang minuto ng sakay.
By: Judith Larino