Tiniyak ng presidential aspirant at labor leader na si Ka Leody De Guzman ang pag-agapay sa mga manggagawa oras na manalong pangulo sa 2022 Election.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni De Guzman na pangunahin niyang pagtutuunang pansin ay ang problema sa hindi pantay na pagtingin sa manggagawa at negosyante.
Ito kasi aniya ang dahilan kung bakit marami ang naghihirap at wala pa ring trabaho kahit bahagya nang bumabangon ang Pilipinas sa pandemya.
Samantala, isa sa pa sa nakiktang problema ni De Guzman kung bakit marami pa ring walang trabaho ay ang contractualization.
Ito kasi aniya ang pumipigil upang mas maraming pilipino ang guminhawa sa buhay. —sa panulat ni Abigail Malanday