Nilinaw ng pamunuan ng Department of Education (DEPED) ang isyu hinggil sa nag-viral na pag-akyat ng mga guro sa bubong ng isang paaralan sa Batangas para umano’y sumagap ng internet signal.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, aminado sila na may pagkakataong mahirap ngang sumagap ng interet signal pero hindi naman aniya ito sa lahat ng pagkakataon.
Binigyang diin pa ni Malaluan na modular ang pangunahing pamaraan ng pag-aaral ng mga bata.
Kasunod nito, igniit ni Malaluan, na hindi naging tama ang pagkakaunawa rito ng publiko dahil isang beses lang aniya nangyari ang pag-akyat ng mga guro sa bubungan ng kanilang eskwelahan, na agad ding sinegundahan ng pamunuan ng naturang paaralan.