Ibinabala ng OCTA Research na posibleng umakyat sa moderate ang risk classification ng COVID-19 sa Metro Manila ngayong hunyo.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David ito ay dahil tumaas ang 7-day average na kaso ng COVID-19 sa 31% o 115 mula sa 88 na kaso.
Sumipa rin sa 1.49 mula sa 1.21 ang reproduction number habang tumaas rin sa 2.4% mula sa 1.5% ang positivity rate.
Dagdag pa ni David na bahagya ring tumaas ang healthcare utilization rate sa 23% mula sa 21%.
Inaasahan naman ng OCTA na posibleng tumaas ang mga bagong kaso sa Metro Manila sa 300 hanggang 400 kada araw sa pagtatapos ng Hunyo sakaling magpatuloy ang naturang trend.