Ipinag-utos na ng Kidapawan Government ang pagpapasara sa Mt. Apo ng tatlo hanggang limang taon.
Ito ay para bigyan daan ang restoration ng naturang kabundukan na patuloy pa ring nasusunog hanggang sa ngayon.
Ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, kailangan isakripisyo ang pagpapasara sa Mt. Apo upang makabawi ang natural resources nito na siyang dinadayo ng mga turista.
Sa ngayon, sinabi ni City Tourism Officer Joey Recemilla na hindi pa mabatid sa ngayon ang kabuuang pinsala ng sunog sa Mount Apo dahil sa delikado pa rin ang sunog sa bahagi ng bundok na nakaharap sa Davao.
Nabatid na naiwang bonfire ng mga trekkers sa summit ang pinagmulan ng sunog sa Mt. Apo.
LISTEN: Bahagi ng panayam kay Kidapawan City Tourism Officer Joey Recemilla
By Ralph Obina | Balitang Todong Lakas