Pinag-aaralan ng pamahalaan ng Cagayan na alisin ang mandatoryong paggamit ng face shield sa lalawigan.
Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, isasangguni nila ito sa Provincial Inter-Agency Task Force.
Kaugnay nito, pag-uusapan din ang pag-alis ng COVID-19 test requirement, sa halip ay pruweba na kumpleto na ng bakuna ang ipeprisintasa mga papasok sa lalawigan
Sa huling tala, mayroong higit pitong daang (704) aktibong kaso ng COVID-19, habang nasa apat na put pitong libo (47, 969) ang mga gumaling at mahigit dalawang libo (2,073) ang namatay sa sakit sa naturang lugar. —sa panulat ni Airiam Sancho