Inaasahan ng Bureau of Immigration (BI) ang patuloy na exodus o pag-alis ng mga dayuhan sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sa kabila ng pagsusumikap ng pamahalaan na pag-ibayuhin ang turismo ng pilipinas, hindi pa rin maikakailang malaki ang naging epekto ng pandemiya rito.
Aniya, halos wala nang makitang mga dayuhang turista, estudyante o manggagawa sa mga lugar sa bansa na minsang puno ng mga ito.
Sinabi ni Morente, halos 2milyong mga dayuhan na ang umalis ng Pilipinas mula Enero hanggang Setyembre.
Mas marami aniya ito sa naitalang bilang ng mga dayuhang nagtungo o pumasok naman ng bansa na nasa 1.5 milyon sa kaparehong panahon.
Pinakamarami sa mga umalis na dayuhan ang mga South Koreans na mahigit 400,000, sinundan ng Amerikano at Chinese na nasa 3000,000 at tinatayang 166,000 Japanese.