Hindi bahagi ng paghahanda sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit ang pag-alis sa mga palaboy at illegal vendors sa Roxas Boulevard sa Maynila.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang hakbang ay kaugnay pa rin ng isinusulong na modified Conditional Cash Transfer Program o CCT Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Giit ni Valte, inilalaan ang programa para sa mga walang tahanan na karaniwang biktima ng kalamidad at gayundin sa mga indigenous people sa National Capital Region o NCR.
Matatandaang binatikos din ang clearing operations ng DSWD noong Enero matapos dalhin ang mga palaboy sa isang magarang resort sa Batangas sa kasagsagan ng papal visit.
By Jelbert Perdez