Suportado ni senador Francis Escudero ang pag-aalis ng Ched sa moratorium na nagbabawal sa mga kolehiyo at unibersidad na mag-alok ng undergraduate nursing programs.
Sinabi ni Escudero na makatutulong ang nasabing hakbangin upang mapataas ang bilang ng medical frontliners sa bansa.
Naramdaman aniya ang hagupit ng pandemya sa kakulangan ng nurses at iba pang healthcare workers kaya’t panahon nang palakasin ang workforce para laging handa sa anumang health crisis.
Tiniyak ni Escudero, chair ng Senate Committe on Higher Education ang pagsilip niya sa estado nito sa bansa.