Masyado pang maaga para alisin ang outdoor mask mandate dahil mababa pa rin ang bilang ng mga Pilipinong nagpaturok ng booster dose laban sa Covid-19.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philipines, Inc. (PHAPI), nananatiling banta ang COVID-19 sa bansa, na may dalawang libo hanggang tatlong libong kasong naitatala kada araw.
Itinanggi rin ni de Grano na meron ng “wall of immunity” dahil malamang aniya’y halos wala nang epekto ang primary series ng COVID-19 vaccine.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 18.5 million pa lamang ang nakatanggap ng booster shot noong September 11.