Tutol si Anakpawis Party-List Representative Ariel Casilao sa plano ng Department of Trade and Industry na alisin ang SRP o Suggested Retail Price sa mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Casilao, magreresulta lamang ito sa unlimited price hikes kung saan ang direktang tatamaan ay mga mahihirap na sektor tulad ng mga manggagawa at magsasaka.
Pinalagan din ni Eastern Samar Representative Ben Evardone ang naturang balak ng DTI.
Giit ni Evardone, mawawalan ng kontrol sa presyo ng mga produkto sa oras na tanggalin ang SRP at maaaring maabuso ang mga consumer.
By: Meann Tanbio
Pag alis ng SRP sa mga pamilihan tinutulan ng ilang mambabatas was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882