Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na sinisimulan na nilang pag-aralan kung posible nang alisin o i-extend ang State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa COVID-19.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge, undersecretary Maria Rosario Vergeire, maliban sa health concern ay sinusuri na rin ng iba’t ibang ahensya sa ilalim ng kagawaran ang mga usaping legal kaugnay dito.
Kabilang naman sa mga ikinokonsidera ang emergency authority ng mga bakuna, clearance at certifacates nito gayundin ang price caps.
Nabatid na naglabas ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa pag-aaral kung palalawigin pa o hindi ang naturang health emergency sa bansa na may bisa hanggang sa Setyembre.