Sinubukang lusubin ng bagong tatag na makabansang alyansa ang tanggapan ng US embassy sa Maynila para hilingin ang pag-alis ng kanilang pwersa sa West Philippine Sea.
Ayon kay Roperto Nambio, tagapagsalita ng naturang grupo na dapat alisin ng Estados Unidos ang kanilang mga sasakyang pandigma para hindi makasama sa nagaganap na pag-uusap ng Pilipinas at ng China.
Giit ng mga ito na sa pag-alis ng mga ito ay tiyak magiging magandang hakbang dahil hindi naman anila kasama sa isyu ng agawan ng teritoryo ang pwersa ng Estados Unidos.
Sa huli, binigyang diin ng grupo na ang pananatili ng mga sasakyang pandigma ng Estados Unidos sa West Philippine Sea ay para lamang sa kanilang interes at hindi para sa Pilipinas.