Babantayan ng mga labor groups ang DOLE o Department of Labor and Employment at aaraw-arawin na ang kanilang pangangalampag dito.
Ito’y sa pagtalima ng DOLE sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na putulin na ang agency hiring.
Ayon kay Renato Magtubo, chairman ng NAGKAISA Labor Coalition, mayroong isang buwan si Labor Secretary Silvestre Bello III para maglabas ng kongkretong direktiba hinggil dito.
Pinuri rin ni Magtubo ang Pangulo dahil nabigyang linaw nito at napagtibay ang kaniyang pangako noong kampanya na tuldukan ang kontraktuwalisasyon.
By Jaymark Dagala | With Report from Aya Yupangco