Go signal lamang ng Department of Health (DOH) ang hinihintay para alisin ang travel ban sa Taiwan dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon ito kay Labor Secretary Silvestre Bello III dahil ang DOH lamang ang makapagsasabi kung ligtas nang makabiyahe ang mga Pinoy pa Taiwan.
Sinabi sa DWIZ ni Bello na nasa P50-M na ang naibibigay ng gobyerno bilang tulong sa mga Pilipinong stranded pa Taiwan.
Hinihintay natin yung rekomendasyon ng DOH kasi sila yung may kakayanan magkapagsabi kung safe na ba ang bumalik sa Taiwan. Mula noong nagpasimula yung travel ban meron na kaming nabigyan na mahigit 5,000 at 10,000 each, milyon na ang naibibigay ng OWWA,” ani Bello.
Ipinabatid pa ni Bello na sumulat na sa kaniya ang ambassador ng Taiwan sa Pilipinas na kaniyang pinaki-usapang bigyan ng panahon ang mga Pilipino na makabalik sa Taiwan matapos abutan ng travel ban dahil sa COVID-19.
Bigyan naman ng chance yung ating kababayan ng panahon na makabalik kasi (sabi) ko nga inabutan sila ng travel ban bagamat gustong-gusto nilang bumalik at gustuhin din naman namin silang pabalikin kaya lang dito sa nangyari na COVID-19 medyo obserbahan muna natin nandyan ang DOH, si Sec. Duque, sila na may mga kakayanan na makapag-decide kung safe na ang pagbalik sa Taiwan,” ani Bello. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.