Kumpiyansa ang Malakanyang na walang magiging epekto sa kredibilidad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pag – amin nito na gawa – gawa lamang niya ang bank account sa ibang bansa ni Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tiwala sila na hindi nabawasan ang paniniwala ng taumbayan sa Pangulo dahil lamang sa isyu ng bangayan nila ng senador.
Aniya, isa lamang ito sa stratehiya ng Pangulong Duterte laban sa mga ibinabato sa administrasyon ng nangunguna nitong kritiko na si Trillanes.
Tiwala si Abella na mangingibabaw sa publiko ang mga magagandang nagawa at gagawin pa ng Pangulong Duterte para sa bansa.